Mariel Rodriguez nakipagbati na kay Toni Gonzaga

MARAMI ang natuwa sa pagkakabati nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez na ilang buwan na ring may tampuhan dahil sa ilang hindi pagkakaintindihan.

Sa nakaraang birthday presentation ni Toni sa The Buzz last Sunday, nagpadala ng birthday message si Mariel which is a clear indication na talagang okay na sila.

Binasa ni Boy Abunda ang mensahe ni Mariel which read: “Happy, happy, happy, happy birthday, Toni! I’m very happy for you, Toni, dahil ang dami mong blessings na natatanggap.

“You deserve it because you really work hard. A lot has happened but one thing is for sure; you will always have a friend in me.

“It’s not the first time this has happened to us but I think our friendship is strong enough to surpass any obstacles.

“Mangingibabaw at mangingibabaw ang mabuti nating pagkakaibigan. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa ’yo. Isa kang kapatid, alam mo ’yan.

“Happy, happy, happy birthday, Toni. My birthday wish for you is simple. I just hope you are happy, ’yun lang. And Toni, ako nagpakasal na, ikaw naman ang next. Hehehe. Happy birthday.”

Sagot naman ni Toni: “Thank you for that message. It’s been a long time since huli tayong magkita and I’m looking forward na magkita tayo one of these days. Thank you for wishing me well kahit nu’ng Christmas.

“Just like kung ano ’yung nararamdaman mo kung anuman ’yung nangyari noon at kung ano man ’yung pinagdaanan natin, I will always treasure you in my heart. I miss you.”

Ayon pa kay Toni, ang mga ganitong pinagdaraanan nila ay nakakatulong para mag-mature sila at malaman ang kahalagahan ng mga bagay o tao sa kanilang buhay. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply