Marquez nag-iinarte bago tanggapin ang Morales fight

DAHIL masama ang loob sa kababayang si Erik El Terrible” Morales, inamin ni WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez na pahihirapan muna niya at pag-aaralan kung dapat bang tanggapin ang panukalang maglaban sila ng kababayang si Erik Morales sa Abril 9, 2011.

Tahasang sinabi ni Marquez na may sama pa siya  ng loob kay Morales dahil nang sikat pa ito at numero uno sa kanyang career ay tinanggihan siyang makaharap nito.

Sa ngayon ayon kay Marquez, nabaligtad na ang sitwasyon at si Morales na ang nangangailangan sa kanya.

Sa Enero 20 ay nakatakda siyang makipagpulong sa Golden Boy Promotions para pag-usapan ang offer sheet sa Morales fight.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply