Marquez vs Khan ikakasa

KUNG magmamatigas umano si Manny Pacquiao, sisikapin na lamang ni WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez na makakuha ng fourth divisional title sa junior welterweight.

Ito umano ay mangyayari lamang kung makahaharap ni Marquez si WBA champion Amir Khan na dati niyang stablemate sa ilalim ng Golden Boy Promotions.

Bago umano ito ay haharapin muna ni Marquez si fellow Mexican superstar Erik Morales sa April 16 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Kabilang pa rin sana si Marquez sa mga ikinokonsiderang makaharap ni Pacquiao sa May 7 sa Las Vegas ngunit tinalikuran siya at sa halip ay ipinalit si Shane Mosley.

Sinabihan na lamang ni Bob Arum ng Top Rank si Marquez na harapin muna si WBC welterweight champion Andre Berto at kung sino ang mananalo ay haharap kay Pacquiao. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply