Mas ‘malupit’ na batas vs smuggling isinulong

ISANG panukala ang isinulong sa Kamara de Representantes upang mas epektibong malabanan ang smuggling na umano’y nagdudulot ng pagkawala ng $4 bilyon sa kaban ng yaman ng bansa sa loob ng isang taon.

Ipinasa ni Laguna Rep. Edgar San Luis ang House Bill 3786 na naglalayong patatagin at baguhin ang istratehiya ng gobyerno sa pagsugpo ng iligal na importasyon sa bansa.

Iginiit ni San Luis na pangunahing layunin ng kaniyang panukala na maamyendahan ang Presidential Decree 1464, o mas kilala bilang  Tariff and Customs Code of 1978, upang siguruhing walang dayaan ang mangyayari sa mga transaksyon ng importasyon.

Nakapaloob dito na gagawing mandato ang maagang pagpapadala ng kopya ng cargo manifests sa Bureau of Customs (BOC), Philippine Ports Authority (PPA) at Department of Agriculture (DA)para sa monitoring at inspection pagdating ng kargo sa Pilipinas.

Layunin din ng HB 3786 ang maitatag ang Valuation and Classification Review Committee sa bawat BOC District Office na kabibilangan ng kinatawan mula sa pribadong sector, upang mabawasan ang “discretionary authority” ng BOC personnel sa pagsisiyasat ng mga inimportang produkto.

“The BOC collector shall also be mandated to conduct spot inspection and periodic audit to ensure that customs laws and regulations are followed by bonded warehouse facilities based on the bill,” dagdag pa ni San Luis sa kaniyang panukala.

Ayon sa mambabatas, isa sa pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng bansa ang mga uncollected taxes na bunga ng smuggling.

“Para na ring ninakawan ang bansa ng $4-bilyon kada taon na dapat sana’y nagagamit ng pamahalaan para sa serbisyo sa taong bayan,” pagtatapos ni San Luis. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply