Mass shooting sa Arizona US, 6 Patay!

Anim katao ang napaulat na namatay habang marami ang sugatan  matapos ang walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa Tucson, Arizona sa Amerika.

Ilan sa kumpirmadong patay sa pamamaril ay si Federal Judge John Roll at isang 9-anyos na bata. Habang isinusulat ang balitang ito, kasalukuyan naman agaw-buhay at ginagamot sa ospital si Arizona Congresswoman Gabrielle Giffords na nagtamo ng tama ng baril sa ulo. Marami naman diumano sa mga tauhan ni Gifford sa Kongreso ang sugatan sa nasabing insidente.

Batay sa report, nagsasagawa si Giffords ng pakikipagpulong sa ilan sa kanyang mga nasasakupan ng bigla na lamang magwala ang suspek na kinilalang si Jared Lee Loughner, 22 anyos at walang habas na nagpaputok gamit ang isang pistol. Ang suspek ay kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulis at iniimbestigahan hinggil sa motibo nito sa pamamaril.

Ilang oras bago ang insidente, nagawa pa umanong mag-tweet ni Gifford ng “Congress on your corner. My 1st Congress on Your Corner starts now. Please stop by to let me know what is on your mind or tweet me later.”

Sa isang press conference ngayong umaga, nagpahayag si US President Barack Obama na ang naganap na ‘shooting spree’ sa Arizona ay isang ‘unspeakable tragedy’ na walang dapat na maging puwang sa isang malayang bansa. Bumuhos naman ang simpatiya mula sa iba’t ibang sektor para sa mga biktima ng trahedya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply