Masyadong maagang pagla-lobby sa chief PNP post

BILANG gentlemen in uniform, dapat lang siguro na tumahimik muna sina C/Supt. Rey Lanada, hepe ng PNP Directorate for comptrollership, at Gen. Rolando Annonuevo, ng Directorate for Integrated Police Operation-Southern Luzon, para pag-usapan ang napakaaga pang pagreretiro ni PNP chief Gen. Raul Bacalzo sa Sept.15.

Alam naman kasi ng lahat na halos lugmok na ang PNP sa mga intriga dahil sa kabi-kabilang ulat na pang-aabuso ng ilang tiwaling pulis pero nakukuha pang pag-usapan kaagad kung sino na ang papalit kay Bacalzo.Sa halip nga namang tulungan muna si Bacalzo na linisin ang PNP, ilang opisyal pa ang abala sa pagla-lobby para sila ang i-appoint ni Pang. Noynoy bilang bagong PNP chief sakaling magretiro si Bacalzo.

Kahit hindi aminin, nararamdaman sa loob at labas ang pangarap nina Lanada at  Annonuevo na maging PNP chief. Wala namang problema rito dahil kapwa naman qualified ang dalawang magiting na opisyal na pareho ring graduate ng Philippine Military Academy Class of 1979. Kung panga-rap nilang maging PNP chief, go ahead. Pero masyadong maaga pa ito.

Besides, may mga management skills ba sila para pamahalaan ang pambansang pulisya? Kailangan talaga sa isang opisyal ang managerial skill and expertise. Oo importante ang fiscal reforms na sinasabi ni Lanada pero higit na malaking tulong kung may sapat tayong kaalaman sa pamamahala ng isang organisasyon.

Tingnan natin ang naganap sa hostage trage-dy. Hindi ba’t maling paghawak sa crisis management ang naging dahilan kung bakit maraming buhay ang nagbuwis at nalagay sa malaking kahihiyan ang ating bansa sa buong mundo?

In short, bago ka muna magyayabang ay tingnan mo muna ang iyong sarili, kung may ibubuga ka!!!

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply