Matandang dalaga patay sa motorsiklo

NAHAHARAP sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isang motorcycle riding man na bumundol at nakapatay sa isang dalaga nitong Sabado sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang 59-anyos na matandang dalaga bunga ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan  na kinilalang si Rebecca Bolfango, ng Blk 1 Lot 5 Camella Drive, Camella Homes 1, Barangay Putatan makaraang mabundol ng motorsiklong minamaneho ng isang Angelo Tarrobago, 23, ng  Patdu Compound, Sun Flower St., South Green Heights, Putatan, naturang lungsod.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente pasado alas-10 ng umaga habang tumatawid sa  Estanislao St., sa harapan ng Camella Homes 1 ang biktima pauwi sa kanyang tirahan.

Hindi umano namalayan ni Bolfango ang mabilis na pagdating ng motorsiklong minamaneho ni Tarrobago na naging sanhi ng pagkakabundol sa biktima.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang biktima habang nahulog din sa kanyang motorsiklo si Tarrobago kaya’t ang nagrespondeng ambulansiya ng barangay ang nagsugod sa biktima sa MCM Hospital, kung saan idineklarang patay na ang biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply