Matapos ang Visayas-Mindanao: Cagayan-Isabela uulanin

MATAPOS ang pananalansa ng malakas na ulan  bunsod ng cold front sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao,  posibleng sumunod na makaranas ng pag-ulan ang Cagayan-Isabela area sa Northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , magsisimulang kumilos ang cold front sa Biyernes papuntang North Luzon.

“On Wednesday and Thursday, the cold front is likely to stay in the Visayas-Mindanao area. By Friday and Saturday it is expected to go north toward Bicol. By Sunday it is likely to be in the Cagayan-Isabela area,” ayon kay PAGASA officer-in-charge Graciano Yumul Jr. sa isang panayam sa  dzRH.

Samantala, sinabi rin ni Yumul na posibleng magkaroon ang bansa ng sobrang pag-init ng panahon, ngunit maaari ring makaranas ng mas maraming malalakas na bagyo ngayong taon.

“It is possible we will have extreme weather. But since we are in the midst of La Niña, we can expect typhoons to be more intense,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ni Yumul, tumindi ang pag-ulan sa Surigao area noong Martes ng gabi bandang 11:30 p.m.

Kaugnay nito, ayon sa  5 a.m. bulletin ng PAGASA, makararanas ang Visayas at Mindanao ng maulap na kalangitan na may pag-ulan na aabot sa  Eastern Visayas at Mindanao, na maaari ring magresulta ng flashfloods and landslides.

Makararanas din ang Luzon ng maulap na papawirin at may kaunting pag-ulan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply