Matt Evans, ‘di nagpasilaw sa malaking offer ng ibang network

IPINAGDIINAN ni Matt Evans na hindi kailan man siya magpapa- silaw sa malalaking halagang ibabayad sa kanya bilang talent ng ibang network dahil mas nananaig sa kanya ang loyalty.  Inamin nitong masaya siya sa Kapamilya dahil tuloy-tuloy pa rin ang kanyang mga proyekto at kung hindi man kasing-dami ang kanyang ginagawa ngayon ay naniniwala pa rin siyang may mga nakalinya na puwede niyang sisimulan sa taong ito.

Nilinaw nito na hindi dahil hindi gaano napupuno ang kanyang schedule ay magiging rason para sa kanya para tumanggap ng alok ng ibang network.  Actually, natutuwa siya dahil nagka-oras siya sa kanyang sarili at pamilya.

Wala man siyang kadamihang proyekto sa pagbubukas ng taon ay tuloy naman ang pag-raket nito ng mga probinsya.  Tulad na nang abutan namin siya sa recording studio ng LJB Building ng ABS-CBN kung saan nire-record nito ang radio plugging ng kanilang show ni Empress Schuck sa Tagum City sa Pebrero 5.  Ang kanilang ‘Sounds & Rhythm’ ay gaganapin sa Tagum College Gymnasium of University of Mindanao.

Kasama rin dito ang upcoming Chinese pop singer na si Pasul Zhuang na napapansin na rin ang kanyang kahusayan sa pagkanta sa mga nakaraang show nina Ernie Garcia at Boy Inocencio.

Ang Sounds & Rhythm ay mula sa direksyon ni Jobert Sucaldito at sa pakikipagtulungan ng Villa Rico Briz Residences at Acme Briz Residences.  Ito ay prodyus ng Galaxy Entertainment & Production Services.

Pilipinas Win na Win panakip butas lang

NOW IT can be told na ang programang Pilipinas Win Na Win ay hindi talaga pang-matagalang game show ng ABS-CBN.  Na-create lamang ito habang pinag-iisipan kung anong magandang programa ang ipapalit sa Wowowee noon at ito na nga, isinilang ang PWNW.  Maganda naman ang showing ng Hitmakers na kinabibilangan nina Rico Puno, Rey Valera, Nonoy Zuniga at Marco Sison kapalit ni Willie Revillame sa pang-tanghaling panoorin.

Kaya namin naisip na hindi magtatagal ang nasabing show ay dahil nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ang isa sa nasabing grupo at napag-alaman naming ang kanilang TF na natatanggap araw-araw ay parang TF ng ordinaryong guest artist lamang.  Ipinagtaka namin ito noon pero ngayon lang namin masasagot, ang nasabing game show ay hindi pangmatagalan.

Sa ngayon malakas ang balitang isa sa franchised shows ni Kris Aquino ang posibleng ipapalit dito.  Kaya wait na lang tayo sa latest development. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply