Mayor Calixto, tengang kawali sa problema ng market vendors

NANAWAGAN ang Pasay City Market Vendors sa local na pamahalaan upang matuldukan ang umano’y maanomalyang transaksyon na nagaganap sa kanilang pamilihang lungsod.

Ang panawagan ay kaugnay sa mapanikil umano na pamamaraan ng nanunungkulang market treasurer. Ipinag-utos umano nito na muli nilang bayaran ang mga electric at water bills na tapos na nilang bayaran.

Bukod dito, nakaaalarma na umano ang pagbagsak ng koleksiyon sa Pasay City Public Market na sa halip na tumaas ang revenue nito ay unting-unti umanong bumabagsak mula nang manungkulan ang itinalagang tagapangasiwa ng palengke.

Batay sa hinaing ng mga market vendors, nagbayad na sila sa kanilang nakonsumong kuryente at tubig noong taong 2008 at 2009 batay sa pinanghahawakang resibo mula sa market treasury. Pero ang labis umano nilang pinagtataka ay muli silang pinadalhan ng “unpaid bill” at muling pinababayaran ang mga ito.

Binatikos din ng mga manininda ang kawalan ng record  upang suriin kung sino ang dapat pagbayarin ng electric at water bills.

Bukod dito, mismong ang City Treasurer umano ang nagtatakda ng kanilang gross sale, samatalang sila umano ang dapat magdeklara ng kanilang kinita sa loob ng isang taon.

Ang suliranin ng mga market vendors ay ipinarating na umano sa kaalaman ni Pasay City Mayor Antonino Calixto pero nagte-tengang kawali lamang umano ito at hindi binibigyang pansin ang kanilang hinaing. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply