Mayweather, binugbog ng buska ng Pacquiao fans sa Vegas

DI NAKALIGTAS sa pambubuska ng fans ni boxing icon Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. nang magpunta kamakailan ang five-division world boxing champion sa Cosmopolitan Resort sa Las Vegas para mag-shopping.

Paglabas ni Mayweather sa isang department store sa nasabing lugar, nagchant ng “Pacquiao! Pacquiao!” at “Manny! Manny!” ang pro-Pacquiao hecklers, ayon sa ulat ng Asian Journal nitong Enero 8.

Ang nasabing pangyayari ay nakunan ng video at in-upload sa Youtube na may 62, 576 hits na sa huling bisita ng Remate.ph.

Di naman nakitang nag-react si Mayweather sa mga pambubuskang natanggap niya. Parang deadma lang ang boksingero sa mga pang-iinis sa kanya.

“He’s short. I’m taller than Mayweather,” anang isang heckler.

“Fight Pacquiao Floyd!!! Shut our mouths and earn our respects so that all of this will stop!!! You’re being clowned all over Vegas for your cowardice, be a man, grow balls instead of feathers,” ani mael696, isa sa mga nanuod ng video clip ni Mayweather sa Youtube.

Dalawang beses nang naunsyami ang labang Pacquiao-Mayweather dahil di magkasundo ang dalawa sa mga isyu ukol sa drug testing protocol.

Matatandaang tinawag pa ni Mayweather si Pacquiao na “apology si Mayweather sa ginawa niyang pangmamaliit kay Pacquiao.

Nahaharap si Mayweather sa ilang assault charges na umano’y ginawa niya laban sa dati niyang kasintahan at sa kanilang mga anak, pati na sa isang security guard.

Nakatakdang humarap sa korte si Mayweather ngayong Enero.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ni Pacquiao.

Matapos ang panalo niya laban kay Mexican-American boxer Antonio Margarito, nakatakdang makipagbuno ang Sarangani congressman kay American boxer Sugar Shane Mosley sa Mayo. Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply