Mayweather isinusuka ng mga kapitbahay

LALONG lumalabo ang pag-asang magkakaharap pa sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. matapos madagdagan ang mga nagrereklamo laban sa American boxer.

Kahapon ay dumulog sa hukuman ang Las Vegas Homeowner Association at hiniling na puwersahin si Mayweather Jr. na sumunod sa kanilang mga patakaran at atasan itong huwag nang pagbantaan ang kanilang mga empleyado.

Ang Southern Highlands Estates ay nagsampa na ng complaint sa Clark County District Court kung saan humihingi ito ng $10,000 danyos at injunction laban sa 33-anyos na si Mayweather.

Si Mayweather ay bumili ng mahigit 12,000-square-foot home sa halagang $9.5 million sa isang pribadong komunidad may 10 milya ang layo sa timog ng Las Vegas Strip noong May 2009.

Kapag nagkataon, ang injunction ay mag-oobliga kay Mayweather na manatili sa kanyang sasakyan, magpakita ng identification at tumigil na sa pagbabanta at pangha-harass sa kanilang security sa community entrance.

Matatandaan na dinakip ang boksingero noong Dec. 16 dulot ng misdemeanor battery complaint dahil sa pananakit at panduduro umano sa isang security guard na itinanggi naman ni Mayweather.

Batay sa rekord, si Mayweather ay nahatulan na noon sa misdemeanor battery at assault sa Las Vegas at sa Grand Rapids, Michigan.

Siya ay nahaharap rin sa felony coercion, grand larceny at robbery case na nag-ugat sa pananakit umano sa dati niyang nobya at dalawang anak noong Setyembre ng nakaraang taon at siya ay lilitisin sa Jan. 24 na maaaring maghatid sa kanya sa 34 taong pagkakabilanggo sa oras na mapatunayang walang dudang nagkasala ito. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply