Mayweather muntik gulpihin ng fans ni Pacquiao sa Las Vegas

Muntik ng pulutin sa ospital si dating pound for pound king Floyd Mayweather Jr. matapos kuyugin at pagtulung-tulungan ng mga galit na fans ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa isang mall sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa report, kung hindi lang nakialam ang mga mall security guard ay malamang na nagulpi ng fans ni Pacman si Mayweather.

Dahil sa naawat agad ng mga sikyu, sumigaw na lang ng  Pacquiao!! Pacquiao!! Pacquiao!! ang mga tao habang minumura si Mayweather sa loob ng mall.

Abot-abot na kantiyaw at panlalait ang inabot ni Mayweather sa fans dahil sa pag-iwas nito na labanan si Pacquiao  at ang pananakit nito sa ina ng kanyang mga anak.

Yumuko na lamang umano si Mayweather at iniwasan ang mga galit at nagsisigaw na fans at agad-agad na lumabas ng mall.

Sinamahan at inihatid ng security guards si Mayweather papunta sa kanyang sasakyan.

Isa sa mga mainit na usapin sa boksing ay ang hindi matuloy-tuloy na laban ni Pacquiao at Mayweather at kadalasan ay sinisisi si Mayweather dahil sa marami nitong alibi at rason para lang makaiwas kay Pacquiao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply