Mediaman Dr. Gerry Ortega, itinumba ng bala

PANG-ILAN na ba si Dr. Gerry Ortega na mediaman na itinumba ng bala sa bagong administrasyon?

Ayaw kong magbilang, mga Bro, dahil masakit sa ating kalooban ang nagaganap na ito.

Isang doktor sa hayop o beterinaryo si Ortega at anchor siya ng DWAR Palawan nang paputukan siya sa ulo sa Princesa City, Palawan habang bumababa siya ng kanyang sasakyan at bibili sana ng damit sa tindahan ng ukay-ukay.

Ayon sa ABS-CBN, program manager nila si Doc. Ortega sa Philippine Ecotourism Palawan ng ABS-CBN Foundation at isa rin itong environmental advocate.

Paniniwala ng marami sa Palawan, pinaslang si Ortega dahil sa katapatan nito sa propesyon ng mga batang
media.

Sabi nila, malamang kaysa hindi na may kinalaman ang pagpatay sa kanya sa pagiging kritiko ng ilang malalaking pulitiko sa Palawan at ng ilang kompanya sa minahan sa nasabing lalawigan.

Nahuli naman ang suspek na si Marvin Alcaraz na residente umano ng Taguig City, Metro Manila. Dapat na malalim siyang imbestigahan ng kapulisan.

Kung totoong may kinalaman ang ilang pulitiko at may-ari ng mga minahan sa lugar, dapat na isalang din ang mga ito sa imbestigasyon. Walang dapat na santuhin ang mga kinauukulan sa krimen.

Sa totoo lang, nasu-suffocate na tayo sa dami ng patayan na nagaganap sa mahal kong

Dapat na sampulan ng istriktong batas ang mga may kaugnayan sa mga pamamaslang, kasama na ang kaso ni mediaman Dr. Gerry Ortega.  Isang pagkakataon na ring kalkalin kung gawa o hindi ng isang warlord sa Palawan ang krimen at magawan na rin ng paraan kung sakali.

WARLORDISMO AT COMELEC

Sa palagay ko, hindi kayang buwagin ni Comelec chair Sixto Brillantes ang warlordismo dahil ‘di niya sakop ito. Its within the President’s will power to paralyze  warlordism ‘cause it involves weaponry and the military na walang moral, bayag at disiplinang tumanggi sa suhol at pressure ng warlord na may pera. What only Brillantes can do is to improve the system of election with the help of the President who  may employ the matinong military to protect it as one of the AFP’s mission is to help ensure clean elections. – 0921623

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply