MEDINA NG IMMIGRATION AT ABS-CBN HUMAN TRAFFICKING

ISANG tawag ang natanggap natin mula sa isang kapatid sa pamamahayag na nagsasabing walang kinalaman si Usec. Salazar sa mga aktibidad ni immigration officer Raul Medina.

Alam n’yo naman, mga Bro, na mabilis mapaniwala ng isang kapatid sa pamamahayag ang ULTIMATUM  kung kaya’t agad ay sinang-ayunan natin ito.

Pero ang nakapagtataka rito ay bakit ang bilis ng proseso ng mga pinatapon ni Usec. Salazar pero itong may ebidensiya na ay hindi n’ya maipatapon?

Are you a part of the 30,000 question, Sir?

Hooops! Huwag naman sana, Usec, dahil mataas ang pagkakakilala ng ULTIMATUM sa pagkatao n’yo. Sa ginawang follow-up ng ULTIMATUM kay BI OIC Ronaldo Ledesma ukol sa kahihinatnan nitong si Medina, sinasabi nito na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang naganap na “pagpapalusot” sa pasahero ni Medina.

Alam n’yo, mga ka-Bro, hindi kontra ang ULTIMATUM sa pagpapaalis ng mga manggagawang walang sapat na dokumento. Ang atin lang ay huwag naman sanang gawing gatasang baka ang mga pobreng obrero.

Kunsabagay, dolyares pa rin ang iuuwi ng mga ‘yan at sa dulo ng kanilang dugo’t pawis ay Pilipinas pa rin ang makikinabang sa kanilang pinaghirapan at hindi yung iilang immigration officers lamang.

Hep! Hep! Hep! Kaligtasan nga naman ang ipinaglalaban ng BI kung kaya’t naghihigpit sila sa mga manggagawa sa ibayong dagat.

Eh! Bakit maluwag sa may padulas at may padrino?

Hindi pa nga nakaaalis nakaltasan na kaagad ang kanilang kikitain sa abroad.

Isampol na lang natin ang paghihigpit ni Medina at hindi niya pagpapasakay sa pasaherong pipi at bingi na si Franklin Corpuz. Hayun! Nagsumbong lang sa Bandila ng ABS-CBN ay wala nang nagawa ang BI kundi ang pikit-mata itong paliparin.

Samantala, tama naman na  i-off load ito dahil halata namang modus operandi lang ang sinasabing sasailalim sa isang training sa Qatar ang pasahero bilang chef at kapag nagustuhan ay isasailalim sa direct hiring. Naku! Lumang tugtugin na yan!

Ngayon heto ang tanong sa ABS-CBN: umuwi pa ba uli ang kanilang ipinaglaban na pipi at bingi? Hindi ba’t simula nang pasakayin ito sa eroplanong QATAR flight 649 with the luxury of escort na ABS-CBN  noong Oct. 7, 2010 ay ‘di na ito bumalik?

Nangangahulugan ba na naging instrumento pa ng human trafficking ang ABS-CBN? At dahil ba ABS-CBN ay pikit-mata ring naging escort ang DOJ pipol ni Sec. Leila de Lima?

Sa madaling salita, dahil sa tibay ng mga escort, wala nang pre-departure orientation si Corpuz sa POEA kaya wala rin s’yang Overseas Employment Certificate (OEC).

Yun bang === malaki ang posibilidad na ma-exploit ito sa ibayong dagat.

At gaya ng sinasabi ng mga immigration officers “What constitutes human trafficking is exploitation.” Balikan natin si Medina, bilib na sana tayo dahil naging mahigpit ito, pero bakit nagpalusot, este, nalusutan pa rin ito?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply