Mendiola, kinumpirmang may kasabwat na LTO agent ang Dominguez carnapping syndicate

Kinumpirma ni Alfred Mendiola, isa sa suspek at kasamahan ng Domiguez carnapping syndicate, na may kasabwat sa Land Transportation Office ang Dominguez brothers sa kanilang operasyon dahil may pumupunta umanong LTO agent sa kanilang safehouse.

Batay sa report ng dzBB, hindi naman alam ni Mendiola kung ano ang puwesto ng  naturang agent sa LTO.

Salaysay pa ni Mendiola, sinundo umano siya ni Roger Dominguez upang puntahan ang isang tao na may hawak ng isang plaka sa Calumpit Bulacan. Kinuha ni Roger ang plaka kapalit ang halagang P200,000.

Nilinaw pa ni Mendiola na wala umanong koneksyon ang kanilang sindikato sa pamamaslang kina Venson Evangelista at Emerson Lozano.  Ang espekulasyon na nagkaonsehan ang mga ito kaya pinaslang ay walang katotohanan.

Samantala, walang patid sa pangangalap ngayon ng ebidensiya ang Philippine National Police  upang agarang malutas ang kaso sa pamamaslang kay  Venson at Emerson, ayon kay PNP Region 3 Director Allan Purisima at maiugnay na rin kung dapat ngang panagutin ang Dominguez carnapping syndicate sa naturang krimen.

Inamin din  ni Mendiola na natatakot siya sa kanyang buhay kaya siya nagsalita . Kusang loob umano siyang pumunta sa tanggapan ng pulisya dahil nakukutuban na niyang itutumba na siya ng magkapatid na Dominguez. Nangako umano siya na hindi niya ilalaglag sa pulisya  ang sindikato kahit tortuyurin siya ng mga pulis.

Inamin din ni Mendiola na may alam siya sa pagpatay kay Baywalk bodies member Rejoice Rivera , ngunit gumugulong na ang kaso nito kaya nagpasya siyang hindi na umano magsalita. Ngunit kinumpirma niyang may kinalaman  ang Dominguez sa pamamaslang. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply