Mga abusado at rapist na pulis sibakin agad

UMIIKOT ang wetpu ni NCRPO Director Nic Bartolome sa kalokohan ng kanyang mga tauhan.

Akalain ba nating sunod-sunod ang mga kaso ng ilan  niyang tauhan na ikinasisira ng buong kapulisan!

Tingnan ito, mga Bro.

Isa sa mga pinakahuli na buwisit sa buhay ni General Bartolome itong si PO3 Antonio Bautista na nakatalaga sa Manila Police Department District Intelligence and Investigation Division.

Habang lasing at nakauniporme, nambagansiya siya ng isang misis sa Quiapo at dinala ang biktima sa kanilang  Headquarters sa United Nations Avenue sa Maynila noong Disyembre 31.

Ang ginawa ng tarantadong pulis na si Bautista, eh, dinukwang ang P4,000 pera ng ginang. Hindi nakuntento ang animal, dinala pa niya sa isang silid ang biktima saka ginahasa. Matapos nito, pinilit pa niyang i-blow job siya ng babae at natigil lang ito nang dumating na ang live-in partner ni misis.

Heto ang isang dapat kapain ni Heneral Bartolome. Sa salaysay ng biktima, meron din siyang kasamang babae na binagansiya rin at inabuso rin daw.  Sino ang umabuso at sino yung biktima, heneral?

Isa pa, sir, dapat ikulong kaagad yan sa rehas at hindi basta disarmahan at ilagay sa floating status at malayang gumala sa istasyon.

oOo

Sa parehong petsa, diyan naman sa Pasig, merong  isang Sr. Insp. Oscar Mansibang na buong tapang na nag-gun toting ng baby armalite.

Sinita lang siya sa kanyang wrong parking o pag-park sa bawal na lugar sa Ortigas Center, Pasig, eh, matapang pa siya sa tigre na sumita sa mga sumita sa kanya na mga guwardiya.

Nang dumating ang kanyang mga tinawagang SWAT ng Pasig, para na siyang nagwalang diyos-diyosan at ipinagtututok nito sa mga guwardiya ang kanyang armalite.

Gaya ng nagaganap sa mga kasong ganito, mabilis pa sa alas-kuwatro sa pagsasampa ng demanda ng lokong ito sa mga guwardiya at parang guilty agad sa paningin ng diyaskeng pulis ang mga guwardiya.

Mabuti na lang at nag-order si Hen. Bartolome na disarmahan na sa armalite at kalibre .45 si Mansibang at pakasuhan ng administratibo at kriminal.

General Bartolome, sir, tututukan at hindi namin bibitiwan ang kaso ng mga rapist at abusadong pulis na ito.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply