Mga bagong testigo sa Vizconde case lalantad sa DOJ

Haharap na sa susunod na linggo sa inter-agency task force na pinamumunuan ng Department of Justice (DoJ) ang walong bagong testigo ng kampo ni Lauro Vizconde kaugnay sa 20 taon ng kaso ng brutal na pamamaslang sa kaniyang asawa at dalawang anak.

Sinabi ni Atty. Pete Prinsipe,isa sa legal counsel ni Vizconde pinaplantsa na lamang nila ang mga affidavit ng mga testigo at anumang araw mula ngayon ay makokumpleto na ito.

Bagama’t aminado si Prinsipe na mas mabuting makunan uli ng pahayag ang dating star witness na si Jessica Alfaro, naniniwala naman itong may sapat na bigat din ang mga impormasyong hawak ng mga bagong testigo para matukoy ang tunay na pangyayari at kung sino ang mga salarin.

Matatandaang ilan sa mga ito ay nakakita umano kay Hubert Webb na nasa Pilipinas, isang araw matapos ang malagim na pagpatay sa pamilya Vizconde na salungat naman sa affidavit ng mga testigo mula sa panig ng depensa, kabilang na ang sikat na singer na si Gary Valenciano at Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Samantala, ihahain na ngayong araw ng kampo ni Hubert Webb ang mosyon upang kontrahin ang inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Lauro Vizconde na humihiling na baligtarin ng Korte Suprema ang ginawa nitong pag-abswelto sa mga akusado sa Vizconde Massacre.

Ayon kay Atty. Demetriu Custodio, abugado ni Webb, maghahain sila ng motion to strike out the motion for reconsideration na iniharap ni Vizconde sa tulong ni Public Attorney’s Office ( PAO) Chief Percida Acosta.
Kinukwestiyon ni Custodio ang ligalidad ng pag-aabugado ni Acosta kay Vizconde gayong hindi umano iyon pinapayagan sa ilalim ng Circular Memorandum ng DOJ.

Sa nasabing kautusan, ipinagbabawal umano sa PAO ang paghawak ng prosekusyon sa mga kasong kriminal.

Binibigyang diin umano sa kautusan na ang PAO ay pinapayagan lamang na magdepensa ng mga akusado sa mga kasong kriminal. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply