Mga bansa nagpalabas na ng travel warnings sa Egypt

PINANGUNAHAN ng Amerika ang travel warnings sa bansang Egypt bunsod ng patuloy na kaguluhan ng mga raliyista na nananawagan sa pagbaba sa puwesto ni Egyptian President Hosni Mubarak.

Ayon sa ulat ng Associated Press (AP), matapos maganap ang magulong protesta, nangangamba ang mga international community sa kaligtasan ng mga dayhuhan sa bansang Ehipto.

Maliban sa Amerika, nananawagan na rin ang bansang Switzerland, Netherlands, China, France, Germany, Belgium, Sweden, Finland, Russia at Poland, na lisanin na ng kanilang mga mamamayan ang Cairo.

Kaugnay nito, nagpadala na ang Turkey ng eroplano upang maglikas ng mga naiipit sa kaguluhan sa Egypt pati na rin ang US na nakatakdang maglikas ng kanilang mamamayan na apektado ng kaguluhan ngayong araw.

Nabatid na nagpadala na rin ng mga eroplano ang mga Arab nations para sa kanilang libreng transportasyon ng mga mamaayan na gusto nang lisanin ang Ehipto.

Kasama ang Pilipinas at iba pang bansa sa Asya tulad ng Australia, Japan, Taiwan at maging ang Hong Kong na nagpalabas ng travel advisory sa kanilang mamamayan na iwasan munang magtungo sa bansang Egypt. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply