Mga buwaya, naglalaway sa pondo ng Azkals?

BUNGA ng pag-ulan ng financial assistance sa Philippine men’s football team na Azkals na pinag-alab ng kanilang exposure sa ASEAN Football Federation (AFF) Suzuki Cup, marami na diumano ngayon ang naglalaway sa nasabing milyon-milyong pondo.

Ang pondo ay pinaghirapan ng West Asian Football Federation para masuportahan ang football program ng bansa.

Subalit dahil marami na ngang naghahabol dito na diumano’y mga buwayang sports officials ay pinayuhan ng mga kritiko si Philippine Football Federation (PFF) president Mariano “Nonong” Araneta na protektahang mabuti ang monetary grant.

“Dapat protektahan niya (Araneta) ang pondong iyan. Baka kasi kung saan lang mapunta. Sa halip na mapaganda ang imahe natin ay mapasama pa.

Nakakahiya sa mga nag-donate na ang perang ibinigay nila ay nawawaldas lamang,” ayon sa isang kritiko sa panayam ng Remate Sports.

Unang nag-ambagan ang Bahrain, Jordan at Kuwait kung saan nakalikom sila ng halagang $100,000 (4,431,000) upang makatulong sa Pilipinas sa pag-organisa sa mga national tournaments.

Ang Japan ay naglaan na rin ng $20,000 (P886,200) para sa grassroots development program ng PFF.

May nakahanda na rin umano na halagang $250,000 (P11,077,500) ang FIFA bilang financial assistance nito mula sa world governing body ng football.

Maging ang Football Federation ng Indonesia ay nagbigay din ng $150,000 (P6,646,500) bilang ambag ng nasabing bansa para sa Azkals.

Kaya naman, kung susumahin ay humigit-kumulang na sa tatlumpung milyon (P30-M) ang pondo ngayon ng Azkals na sapat na para maglabasan ang laway sa bunganga ng mga gutom sa Philippine Sports.

Nabatid kay Araneta na ang pera umano ay sisimulang galawin sa paghahanda ng Azkals sa AFC Challenge Cup laban sa Mongolia.

Ang first game ng two-game series ay idaraos sa Panaad Sports Complex sa Bacolod sa February 9 habang ang second game ay lalaruin sa Mongolia sa March 15. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply