Mga nasunugan sa Navotas nagkakasakit na

NAGKAKASAKIT na ang ilan sa may 400 pamilya na pansamantalang tumutuloy sa San Roque National High School makaraang masunugan sa Navotas noong Enero 29 ng gabi, na ikinamatay ng 12 katao.

Nabatid na nagsisiksikan ngayon ang mga nasunugan na bagama’t may mga doktor na tumitingin sa kanila, nagkakasakt pa rin ang mga ito .

Bagama’t may mga doktor, nagkakasakit pa rin ang ibang mga evacuees kung saan ang iba ay nagkaka-sinat na, sipon at ubo bunsod ng lamig ng panahon.

Napag-alamang kulang ang mga rasyon sa naturang mga pamilya partikular na ang kumot, banig at pagkain. Naghanda naman ngayong umaga ang Department of Social Welfare and Development (DSW) ng almusal ng mga nasunugan.

Wala namang pasok ang mga estudyante ng naturang paaralan na nakatakdang magbukas sa Lunes. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply