Mga parak na dawit sa carnapping, ipapatawag sa Senado

IMINUNGKAHI ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na ipatawag sa susunod na mga pagdinig sa isyu ng carjacking ang ilang opisyal ng Philippines National Police (PNP) na nasasangkot sa naturang kaso.

Ang mungkahi ni Sotto ay makaraang mapabalita na nagsisilbing link ng Dominguez Carjacking group ang isang police Supt. Nap Cauyan na sinsabing natanggal sa serbisyo pero protektado naman ng isang aktibong police general.

Ayon kay Sotto, dapat ay mabigyan din ng pagkakataon ang nabanggit na mga police officer na tumugon sa nabanggit na impormasyon laban sa kanila.

Kasabay nito, iginiit din ni Sotto na maliban sa PNP ay dapat tumulong na rin ang National Bureau of Investigation para agarang paglabas ng katotohanan hinggil sa nabanggit na mga impormasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply