Mga Pilipino sa Egypt ligtas— DFA

AYON kay Eduardo Malaya, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino sa Cairo, Egypt, na may malawakang karahasan doon.

Ligtas naman aniya ang mga Pilipino at wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa nagaganap na mga kaguluhan doon. “There is no imminent danger to their lives. Safe naman sila and they are adjusting to the difficult situation dun,” ang pahayag ni Malaya.

Aniya, pinapayuhan din ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt na manatili muna ang mga Pilipino sa kani-kanilang tirahan o tinutuluyan at iwasang pumunta sa mga pampublikong lugar kung saan idinadaraos ang mga malawakang protesta.

Kaugnay nito, nagpalabas na ng travel advisory ang DFA na humihikayat na huwag munang pumunta sa naturang bansa lalo pa kung walang mahalagang pakay doon.

Dagdag pa ni Malaya, para naman  sa mga Pinoy na gusto nang makabalik sa bansa ay  makipag-ugnayan sa embahada upang maaksyunan ang kanilang hiling.

Samantala, naglabas na din ng P25 milyong-pondo ang DFA kung saka-sakaling kailanganin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply