Miami sinuwag ng Bulls

KUMANA si Derrick Rose ng 34 points habang si Kyle Korver ay nakabuslo ng krusyal na  isang 3-pointer sa panalo ng Chicago Bulls laban sa Miami Heat 99-96.

Sa panalong iyon ay hindi umubra ang bagsik ni Dwyane Wade at ni LeBron James.

Dahil tumalsik si Dirk Nowitzki ay hindi nakaporma sa Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks 89-70 habang dinurog din ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks 112-106 sa sarili nitong bakuran.

Tinapos naman ng Orlando Magic ang kanilang 2-game skid nang manalo laban sa Minnesota Timberwolves 108-99 habang inilampaso ng New Orleans Hornets ang Charlotte Bobcats sa iskor na 88-81.

Samantala, ang Detroit Pistons ay nagwala at mistulang kinatay ang Sacramento Kings sa iskor na 110-106 habang ginapi rin ng Washington Wizards ang Toronto Raptors 98-95.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply