Mindanao-based extortion group sinisilip sa Makati bombing

TINITINGNAN ngayon ng awtoridad ang pagkakaugnay sa umano’y Mindanao-based extortion group sa naganap na pagpapasabog na ikinamatay ng lima-katao at pagkakasugat sa 13 pasahero sa Makati City nitong Martes ng hapon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Nicanor Bartolome, posible umanong sangkot sa pagpapasabog ang Al Khobar extortion group makaraang matuklasan ng mga tauhan ng bomb
disposal ang ginawang pagsusuri sa pira-pirasong explosive device na natagpuan sa loob ng Newman Goldline aircon bus.

Sa pagsusuri, nabatid na ang bombang ginamit ay isang Bartolome 81mm mortar at pinasabog sa pamamagitan ng cellphone.

Ayon naman kay Chief Superintendent Arne delos Santos, hepe ng special investigation task force, ang 81mm mortar ay ikinabit sa isang Nokia 5310 model na cellphone.

Nilinaw ng NCRPO chief na ang  Al Khobar ay isa lamang sa marami nilang tinitingnan sa mga may kagagawan sa Makati City bombing.

Base sa istilo ng ginawang pagpapasabog, malamang na ang extortion group ang responsable sa pag-atake.

May posibilidad din na may gustong iparating na mensahe ang Al Khobar group sa awtoridad  na nakarating na sila sa Metro Manila.

Dahil dito, kailangan na umanong pulungin ang lahat ng may-ari ng bus companies sa Metro Manila upang alamin kung sila ay nakatatanggap ng extortion letter.

Ayon kay dating National Security Adviser Norberto Gonzales, ang Abu Sayyaf ang tanging grupong may kaalaman at bihasa sa paggawa ng bomba

Bago umano siya nawala sa tungkulin, nakatatanggap na siya ng intelligence reports na ang local terror group ang nagtuturo ng paggawa ng pampasabog sa komunistang New People’s Army at iba pang
extortion groups sa Mindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply