Mindoro 2 beses nilindol

DALAWANG magkasunod na lindol ang yumanig sa Occidental Mindoro, madaling-araw ng Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang unang pagyanig na may magnitude na 2.9, bandang 1:21 a.m., na tectonic ang origin.

Naitala ang epicenter nito sa 24 km southeast ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Bandang 3:59 a.m . naman nang muling niyanig ng lindol ang naturang lugar na may magnitude na 3, kung saan natagpuan ang epicenter nito sa 21 km southeast ng Mamburao.

Samantala, hindi naman tukoy ng Phivolcs kung saan lugar naramdaman ang pagyanig.

Wala namang aftershocks na naitala at pagkasira ng mga ari-arian. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply