MMDA maghihigpit sa mga motorsiklo

MAGHIHIGPIT na ngayong 2011 ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorsiklo na may sakay na tatlong pasahero at higit pa upang mabawasan ang bilang ng aksidente.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na sa Land Transportation Office Administrative Order AHS-2008-015 ay nakasaad ang rules and regulations sa motorsiklo kung saan “pinapayagan lamang ang dalawang pasahero sa isang motorsiklo, isang driver at isang backride.”

Sa datos ng MMDA, nakapagtala ng 146 katao ang nasasawi sa 20,251 aksidente na naganap mula Enero hanggang Mayo ng 2010.

Nangunguna sa bilang ng aksidente ang sangkot ang motorsiklo na may 4,776; sunod ang pampasaherong jeep, 2,996; trak, 2,272; pampasaherong bus, 2,032; at taxi, 1,660.

Sa datos ng MMDA Traffic Operations Center, patuloy ang pagtaas ng aksidente sa motorsiklo.

Nong 2008, may 12,656 bilang ng aksidente at 104 ang namatay, 6,288 ang sugatan habang nitong 2009, nakapagtala ng 13, 561 aksidente kung saan 105 ang namatay habang 6,327 ang sugatan.

Ayon pa sa MMDA, 90 porsiyento ng mga aksidente ay dahil sa “human error,” tulad ng paglagpas sa “speed limit, overtaking, pagsawalang-bahala sa batas-trapiko at pagmamaneho ng lasing.

May 5% naman ang dahil sa depekto sa behikulo at 5 porsiyento ay dahil sa kundisyon ng kalsada. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply