Mocha aminadong may pagnanasa pa rin kay Robin Padilla

SA TSIKAHAN naman namin kay Mocha ay muling sinabi ng leader ng grupo na hindi pa rin nawawala ang pagnanasa niya kay Robin Padilla.

Kaya nga raw sa kapatid na lang ni Robin na kasama niya sa movie na “Ang Babaing Ginahasa” na lang niya inilabas ang pagnanasa.

Liberated at walang paligoy-ligoy si Mocha pagdating sa sex at pakikipag-relasyon sa kapwa babae at lalaki.

Laging dala pa rin ang dildo na ginagamit niyakapag sinumpong ng lust. Mas safe raw ang gumamit ng vibrator kaysa naman pumatol sa lalake na minahal mo pero hindi ka naman sigurado na mamahalin ka rin habambuhay.

Sa dami ng mga indecent proposal ni Mocha ay hindi na raw niya matandaan kung ilan silang mga DOM na gusto siyang makasama kahit isang gabi at name your price.

Samantalang dahil sa nangyari kay Rejoice Rivera na original member ng Baywalk Bodies ay super-ingat ngayon ang Mocha Girls.

Awa ang naramdaman ng Mocha Girls sa nangyari kay Rejoice. Maaari raw selos or may pananagutan na sa buhay ang gumawa diumano ng karumal-dumal na pagpatay kay Ms Rivera.

Kaya nga raw sila kapag nalaman nila na may pananagutan na sa buhay ang guy na gustong pumorma ay hindi na nila ito ini-entertain.

Kapag may show sila ay sinisiguro ng kanilang manager na may bodyguard na kasama ang Mocha Girls sa pagdarausan show ng grupo.

*************

Nakatsikahan namin ang Mocha Girls sa Papa J`s Bluewave, Pasay City last Tuesday at ayon sa grupo na sina Mocha, Jhane at Mae madalas silang makatanggap ng indecent proposal pero magalang naman nilang itong sinasabi na hindi sila ganoon.

Sa halip na bastusin ay pinagsasabihan nila in a good manner ang mga DOM na igalang naman sila dahil di naman sila ganoong klaseng babae.

Sa mga hindi nakakakilala sa leader ng grupo na si Mocha, isang iginagalang at ipinanganak na mayaman pero dahil sa hilig talaga ang pagkanta at pagpe-perform on stage kaya itinatag niya ang Mocha Girls.

Sobrang liberated ang grupo pero nasa lugar. Aminado na sila ay mga bisexual, meaning puwede sa kapwa babae at lalake.

Sabi ni Jhane, sa dami raw yata ng lalaking minahal niya pero iniwanan at pinaiyak lang siya kaya nabaling ang pagtingin niya sa kapwa babae.

At 16 years old nang mawala ang kanyang virginity sa non-showbiz boyfriend at pagdating ng edad 19, saka niya naramdaman na umiibig din siya sa kapwa babae.

“Dati kasi ay parang wala lang kapag may kausap akong babae. Pero ngayon ay parang may malisya na ako kapag hinahalikan ng babae. At kamakailan ko lang na-realize na bisexual nga ako at nakipagtikiman sa kapwa babae,” pagtatapat ni Jhane.

Si Mae naman na biktima ng panghihipo ay umamin din na puwede din siya sa kapwa babae pero mas gusto pa rin daw niya ang lalake.

Kinumusta namin kung ano nang nangyari doon sa guy na dumakma ng boobs niya na naganap din mismo sa Bluewave pagkatapos nilang kumain sa Papa J`s na pag-aari ng dating dancer na si Jowarski Garcia.

“Katatapos lang namin kumain sa Papa J`s at nagpunta ako sa comform room at nakatungo ako habang naglalakad nang biglang isang lalake nasa harapan ko ang dumakma sa boobs ko.

“Palalampasin ko na sana dahil nakita ko iika-ika naglalakad sa kalasingan. Pero pinagmumura pa ako kaya naalarma na ang manager namin. Nagkaroon ng gulo dahil sumusugod ang mga kasama nito at  sinasabi na anak sila ng pulis.

“Anak ng pulis kaya dinala namin sila sa presinto at doon napagtanto namin na hindi pala siya anak ng pulis kundi isang empleyado ng bangko,” mahabang tsika ni Mae.

Sabi naman ng manager ng Mocha natanggal na sa trabaho ang naturang guy na dumakma sa boobs ni Mae.

****************

Ngayong Sabado makisaya sa Comedy Bar kasama ang host na sina Allan K at Eugene Domingo.

Sa game na Ipasok Mo Ang Sa`Yo maglalaro ang cast ng Machete na sina Aljur Abrenica, Bella Padilla at Chariz Solomon na sasabak sa kantahan.

Kasama pa rin ang Brazilian hunk na si Daniel Matsunaga dahil nasa Brazil pa si Fabio Ide nagbabakasyon. Gugulatin raw ni Daniel ang viewers sa kanyang production number na Butchikik at siyempre di mawawala ang mga comedian na magpapatawa kasama ang Six Feet Long band. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply