Mocha Uson kahit sa bakla makipaghalikan pwede

NO holds barred si Mocha Uson ng Mocha Girls tungkol sa sex interview at ipinagdiinan nito na isa siyang bisexual.

Gusto niya ang babae at gusto rin niya ang lalaki. Minsan nga nakatikiman niya rin ng halik ang mga bakla.

Marami na rin siyang nakahalikan na mga local actress.

Sa young actress natin sino kaya ang nais niyang makatikiman ng halikan?

Sa chikahan namin kay Mocha sa Papa J’s  Wiches and Wings sa Bluewave, along  Macapagal Ave., Pasay City, si Andi Eigenmann ang gusto niya dahil hindi lang maganda at sexy si Andi kundi hot pa.

Kung nakagamit na ba ng sex gadget si Mocha?

Aniya, may iba’t ibang kulay siya ng sex gadget. Katunayan, ipinakita niya ang bagong sex gadget na nakalagay sa kanyang bag.

Ipinakita rin sa amin ni Mocha ang kanilang 2011 calendar. Sizzling ang pictorials na kinunan sa Victoria Court.

By March, mapapanood na ang Malaysian digital film ni Mocha, entitled “Ang Babaeng Ginahasa” with Rommel Padilla. Kasama rin ang Mocha Girls na sina May at Jane.

Regular din siyang napapanood sa “PO5”  tuwing Linggo sa TV5. Siyempre ang kanilang regular gigs sa Mugen Bar, Bluewave at  HardRock Café.

MOCHA TOP 4’S GOOGLE MOST SEARCHED LOCAL ARTIST OF 2010

Samantala, Top 4 si Mocha sa Google Most Searched Local Artist of 2010. Nangunguna si Charice Pempengco, sinundan ni Sarah Geronimo, Jovit Baldivino, Mocha Uson, Francis Magalona, Elmo Magalona, Lea Salonga, Up Dharma Down, Carol Banawa at Urbandub.

PIOLO, MATUTUPAD NA ANG PANGARAP

Wala na ngang mahihiling pa ang Ultimate Heartthrob ng bansa at “Noah” star na si Piolo Pascual. Sa dami ng kanyang nakamit at sa layo ng kanyang narating, masasabing naabot niya na ang kanyang mga pinapangarap.

“Last year was great. Ang daming blessings. Isa na roon yung ‘Noah’ na masasabi kong isa sa pinaka-malaking biyayang natanggap ko noong 2010,” saad ni Piolo.

Ngayong buwan ng kanyang kaarawan, ano pa ba ang mahihiling ng isang Piolo Pascual? “Masaya ako sa kung ano ang pinagkaloob sakin ng Diyos. Pero siguro, mahihiling ko na lang is more time with my loved ones,” agad na sagot ng aktor. Samantala, sa month-long celebration ni Piolo sa ASAP, marami ang naging emosyonal sa naging duet ng Ultimate Heartthrob at ng kanyang anak na si Inigo. Hindi inasahan ng aktor ang sorpresang ibinigay sa kanya ng ASAP Rocks. “Nagulat talaga ako.

Hindi ko pa na-imagine na one day, magdu-duet kami ng anak ko. Ang sarap sa pakiramdam. Salamat sa ASAP,” sabi ni Piolo.

Swak naman ang hiling na ito ni Piolo sa mga susunod na tagpo sa”Noah” kung saan matutupad na ang pangarap ni Gabriel (Piolo) na magkasama-sama ang kanyang pamilya.  Ikakasal na nga si Ruth (Jodi Sta. Maria) at Gabriel. Wala na kayang hahadlang?

Paki: Happy reading kina Katherine B. Abalaing, Maricel Esperas, Jude Galura, Jefferson Virtosu at Jeffrey Marfe ng  QMAC Computer’s San Mateo Branch. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply