Mosley magreretiro na

SINABI kahapon ni 5-time champion Shane Mosley na pagkatapos ng laban nila ni pound for pound king Manny Pacman Pacquiao ay binabalak na niyang magretiro.

Ayon kay Mosley medyo excited na siyang umakyat sa ring at labanan si 8-division world champion Pacquiao.

Aniya, matapos ang laban kay Pacman ay posibleng pag-iisipan na niyang isabit ang kanyang boxing gloves at tuluyan na siyang magretiro sa pagboboksing.

Pero kung siya ang tatanungin, malayo pa sa bokabularyo niya ang pagreretiro.

“This will not be my last fight. I want to prove to people I still have it,” wika ni Mosley.

Dagdag pa ng 39-anyos na si Mosley, kung si Pacquiao ay ibibigay ang tunay na galing sa laban ay hindi naman umano siya magpapatalo.

Taglay din umano nito ang lakas at bilis na siyang susi sa mga panalo ni Pacman.

Una rito, inihayag ni Mosley na patutulugin niya si Manny Pacquiao sa kanilang pagharap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.

Ayon kay Mosley, hindi kasing tibay ang depensa ni Pacquiao kung ikukumpara sa depensa ni Floyd Mayweather Jr.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply