Mosley, matanda pero mapanganib – Pacman

“WALA ito sa edad. Kahit 39-anyos na si Shane Mosley ay mapanganib pa rin at pwedeng manalo sa kanilang laban.”

Ito ang diretsahang sagot ni pound-for-pound king Manny Pacquiao sa mga batikos na sinasabing mismatch ang laban nila ni Shane Mosley sa Mayo 7 sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Pacquiao, hindi basta-bastang kalaban si Mosley dahil ginulpi nito ng husto ang huli niyang nakalabang si Antonio Margarito.

“Malayo ang agwat ng edad nila ni Margarito subalit binugbog niya ito sa loob ng ring kaya sigurado akong malakas na boksingero si  Mosley,” wika ng pambansang kamao.

Samantala, lubos ang pasasalamat ni Pacman sa pagkilala sa kanya ng mundo sa larangan ng boksing.

Kamakailan, hinirang ng World Boxing Council bilang fighter of the decade si Pacquiao at nanguna rin ito sa 100 Best Fighters sa mundo.

Ayon kay Pacman, ang pagkilala sa kanya ay hindi lang para sa sarili niyang karangalan kundi karangalan din ng mga Pinoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply