Motor at bike lane, isinulong sa Kamara

ISINULONG ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro ang pagkakaroon ng partikular na linya ang mga nagmamaneho ng motorsiklo at bisikleta sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng House Bill. No. 1836 ni Teodoro ipinanukala na ipagbawal sa mga nagmamaneho ng motorsiklo at bisikleta ang gumamit ng partikular na linya sa mga pangunahing lansangan.

Batay sa panukala, hindi papayagang dumaan ang mga motorsiklo at bisikleta sa kahabaan ng EDSA at North at South expressways maging sa Commonwealth Avenue.

Sinabi ng kongresista na makikipagtulungan siya sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para mabigyan din ng partikular na linya ang motorsiklo at bisikleta.

Lumabas sa statistika ng World Health Organization (WHO), sinabi ni Teodoro na ang aksidente ang ikaapat na sanhi ng pagkamatay sa buong mundo at 70% dito ay may kaugnayan sa paggamit ng motorsiklo at bisikleta.

“Bagamat hindi agad-agad na pagbabawalan ang mga motorsiklo at bisikleta na gumamit ng ating national roads and highways, lalo pa’t
may kakulangan ang bansa sa mass transport system, pero kailangan gumawa tayo ng mga alituntunin at mailagay ito sa tamang lugar,” sinabi ni Teodoro. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply