MPD nakaalerto sa Chinese New Year

NAKAALERTO ang pwersa ng Manila Police Distrit sa darating na pagdiriwang ng Chinese New Year, Huwebes Pebrero 3, 2011.

Sa mga nakalipas na araw ay patuloy na dumadagsa ang mga tao sa Chinatown kaya’t bantay-sarado ngayon pa lamang ang pwersa ng MPD.

Linggo, Enero 30 ay sinimulang ipatupad ng MPD ang “special parking scheme” upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.

Babantayan din nang todo ng Manila Police ang Quirino Granstand sa Luneta na siyang pagdadausan ng selebrasyon ng Chinese New Year’s eve, na inaasahan na dadaluhan ng 50,000 katao sa iba’t ibang parte ng Kalakhang Maynila.

Samantala, pinayuhan ng MPD ang mga store owners sa Chinatown at mga taong nais na makibahagi sa selebrasyon  na mag-ingat at maging mapagmatiyag dahil maaaring maglipana ang mga holdaper at snatcher sa kasagsagan ng pagdiriwang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply