MRT at LRT fare hike, tuloy na

HINDI na mapipigilan ang pagtaas ng pasahe sa Light Rail Transit,  pahayag ni Department of Transportation and Communications Sec. Ping de Jesus.

Sa kasalukuyan aniya, inaako umano ng pamahalaan ang pagbabayad ng P48 bawat pasahero kung saan ang orihinal na pasahe rito ay P63 na binabayaran lamang ng P10 hanggang P15 ng mga pasahero.

Pinayagan na umano ng economic cluster ng Malakayang ang pagtaas ng singil sa pasahe sa MRT at LRT subalit kinakailangan pa itong aprubahan ng LRT Authority Board.

Samantala, aminado ang Department of Transportation and Communications na matatagalan pa na magkaroon ng LRT  ang ibang lugar sa labas ng Metro Manila hangga’t patuloy pa ring sina-subsidize ng gobyerno ang pasahe ng mga tao .

Ayon pa kay de Jesus di na mapipigilan pa ang dagdag pasahe  upang magamit ng pamahalaan ang perang inaabono nito sa pagtatayo pa ng ibang proyekto tulad ng LRT sa ibang lalawigan. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply