MRT, LRT fare hike, ididiskaril ng Senado

POSIBLENG hindi matuloy ang pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit kung hindi maipaliliwanag ng pamunuan nito ang kinikita ng tatlong linya sa advertisement at lease operations na puwedeng pagkunan ng subsidiya.

Kanina ay ipinatawag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation and Communications (DOTC) hinggil sa kabuuang detalye at pagtutuos ng revenue sharing sa non-rail profits.

Naniniwala si Escudero na maaaring gamitin ang non-rail revenues upang punan ang subsidy na inilalaan ng pamahalaan sa halip na ituloy ang planong itaas ang pasahe.

Kumikita ang MRTC, ang nag-ooperate sa MRT, mula sa ads at lease operations sa pamamagitan ng subsidiary nito, ang MRT Development Corporation (MRTDevCo).

Ngunit, ayon kay Escudero, nabigo ang MRTC na bayaran ang lumolobong utang sa gobyerno na umaabot na sa mahigit P1 bilyon.

Base sa pagtaas ng Philippine Institute for Development Studies, nagbibigay sa kasalukuyan ang gobyerno ng P95 kada commuted bilang subsidy sa pasahe o aabot sa P23,850 kada taon bawat pasahero.

Iniulat naman sa pag-aaral ng Japan Bank for International Cooperation noong 2007 na maaari pang mapaunlad ang non-rail revenues ng MRT at LRT sa pamamagitan ng pagtataas ng advertising rates at upa sa retail tenants sa lugar upang maiwasan ang pagtataas ng halaga ng pasahe.

Umaabot lamang sa 2.6 porsiyento ng kabuuang kita sa non-rail revenues ang napupunta sa LRT taliwas sa 20% kinikita ng iba pang light rail sa ibang bansa.

Isinusulong ni Escudero ang imbestigasyon upang matukoy ang pagmamay-ari at kabuuang operational control sa MRT 3 upang makapagsagawa ng kaukulang hakbang at maiayos ang subsidy sa pasahe. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply