Mt. Bulusan yumanig

UMABOT sa 11 pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Mt. Bulusan sa Sorsogon matapos magbuga ng abo, iniulat Miyerkules ng hapon.

Gayunman, wala namang naiulat na pagragasa ng lahar.

Hindi umano maobserbahan ng Phivolcs ang crater ng bulkan dahil sa makapal na kaulapan, kaya nanatili ang alert level 1 sa Mt. Bulusan, kaya bawal pa ring pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone.

Samantala, apat na pagyanig naman sa iba’t-ibang panig ng bansa ang naitala pa rin ng Phivolcs.

Naramdaman ang magnitude 3.2 quake sa Iba, Zambales dakong 3:19 ng madaling araw, na nasundan ng 2.7 magnitude na lindol dakong 3:21 ng madaling araw sa halos kaparehong lugar sa Zambales.

Ang ikatlong lindol ay naitala sa 239 kilometro sa timog silangan ng General Santos City at may lakas na 2.8 magnitude, at ang ika-apat ay naramdaman sa Ilagan, Isabela na may lakas na 2.1 magnitude.

Ang apat na lindol ay tectonic in origin, mababaw at walang kinalaman sa anumang volcanic activity. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply