Muling pagbaha, landslides, nakaamba sa Mindanao

PINAG-IINGAT ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente partikular sa silangang bahagi ng Mindanao at Visayas sa mga pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA).

Batay sa PAGASA, inaasahan na lalong magiging maulan ang mga naturang lugar bunsod ng LPA kung saan huling namataan ang sama ng panahon sa may layong 480 kilometro sa silangan ng Timog-Mindanao.

Samantala, iiral pa rin ang Northeast Monsoon sa bahagi ng Luzon.

Matatandaang, umabot na sa 75 ang nasasawi at 22 pa ang nawawala habang tinatayang P2 bilyon na ang napinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian sa pagbaha at landslides bunsod ng walang tigil na pag-ulan noong mga nakaraang linggo sa Bicol, Visayas at Mindanao. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply