MVPs sa UAAP at NCAA pararangalan

DALAWANG Most Valuable Players, three-time champion, national team member at isang energetic big man ang pararangalan bilang Mythical Five sa gaganaping UAAP-NCAA Press Corps annual Collegiate Basketball Awards sa Enero 17 sa Topaz 1 ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Kabilang sa mga mabibigyan ng parangal ay sina Norman Black, Frankie Lim, Ryan Buenafe at Garvo Lanete sa event na iprinesenta ng Smart Communications Inc. at sinuportahan naman ng ACCEL, 316, FilOil, Terrilicious, Gatorade, San Miguel Corporation at ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Yayapusin ni Ateneo Blue Eagle coach Norman Black ang kanyang pangatlong sunod na UAAP Coach of the Year plum matapos gabayan ang Ateneo sa 10-4 record sa eliminations upang walisin ang top-seed Far Eastern University sa finals ng 73rd season at iposte ang kanilang third straight championship.

Sina Black at Lim ay mabibigyan ng parangal bilang UAAP at NCAA Coach of the Year dahil sa pagmanibela nila ng kanilang koponan sa championship sa nakaraang collegiate season.

Samantalang sina Buenafe at Lanete ay pararangalan bilang UAAP-NCAA Press Corps dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa finals ng kanilang liga.

Tumapos ang San Beda sa Season 86 ng perfect record na 16-0 sa eliminations bago tinambangan ang San Sebastian sa championship 2-0 upang ilista ang kanilang fourth title sa five years.

Ang UAAP-NCAA Press Corps ay grupo ng mga sportswriters ng leading broadsheets at tabloids na nagko-cover sa collegiate basketball. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply