Nakalalasong silver cleaners nagkalat pa rin sa Quiapo

IBINUKO ng isang environmental group na EcoWaste Coalition na patuloy pa rin ang bentahan ng nakalalasong silver cleaners sa mga tindahan ng alahas at fashion accessories sa Quiapo, Manila.

Nagbebenta pa rin umano ng tinaguriang “suicide cleaners” ang mga establisimiyento sa naturang lugar sa kabila ng pagbabawal ng Department of Health (DoH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa EcoWaste AlerToxic Patrol nagawa umano nilang makabili ng walang pangalan at hindi nakarehistrong silver cleaners kamakalawa lamang sa 15 tindahan na matatagpuan sa Carriedo at Villalobos Streets.

Pito umano sa mga tindahang ito ang nag-isyu pa ng resibo bilang katibayan na nagkaroon ng bentahan.

“Our store hopping reveals the grim truth about the unrelenting sale of this toxicant that has already poisoned so many people,” sabi pa ni Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Project PROTECT.

“We therefore urge the government to vigilantly enforce the ban in the interest of public health and safety,” aniya pa.

Matatandaang nagpalabas ng joint advisory ang DoH at DENR noong Setyembre 2010 para mahinto ang lumalaking bilang ng kaso ng pagkalason dulot ng mga kemikal bunsod ng aksidente o sinadyang pagkakainom ng toxic solution na nabanggit.

Ipinahayag naman ng UP National Poison Management and Control Center at ng East Avenue Medical Center Poison Control Unit, isa ang silver jewelry cleaner sa tatlong nangungunang nakakapaglason sa mga pasyenteng naisusugod sa kanilang mga pagamutan sa nakalipas na dalawang taon.

Lumalabas sa mga laboratory analysis na ang silver cleaners ay may elevated levels ng cyanide na mapanganib sa kalusugan ng tao at maaaring magresulta sa kamatayan ng sinumang makakainom nito.

Dahil dito, nagbigay ng babala ang DOH at DENR sa lahat ng commercial establishments tulad ng jewelry shops at iba pang retail outlets at ambulant vendors na huwag magbenta ng mga walang pangalan at hindi naka-rehistrong silver cleaners dahil sa peligrong dulot nito.  Robert C. Ticzon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply