Sampu patay sa building ni Lucio Tan

UMABOT na sa 10 construction worker ang iniulat na namatay nang bumagsak ang scaffolding na kanilang tinutuntungan habang nagtatrabaho sa ginagawang 40-storey building sa Paseo de Roxas at Gallardo sts., di kalayuan sa Greenbelt, Makati

Agad isinugod sa Ospital ng Makati ang tatlo sa kanila na namatay, samantalang nalagutan din ng hininga ang apat pang isinugod sa nabanggit ding pagamutan.

Kabilang sa mga dinala at namatay ay sina Rowel Perez, Victor Pinol; Joel Abesillas; Kevin Mabunga, Michael Tatlonghari, Celso Mabuting Jay-R Ligato Jeffrey Diocado; Bonbon Crisostomo at William Ibanez na pawang empleyado ng Agno Aluminum Glass Company.

Samantala, nanatiling nasa kritikal si Ruel Perez, isinugod sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Napag-alaman kay C/Supt. Froilan Bonifacio, hepe ng Makati City police na ang insidente ay naganap 11:45 ng umaga sa mismong ginagawang gusali ng Eton Residences na pag-aari ni business tycoon Lucio Tan.

Nabatid sa ulat na habang nagkakabit ng salamin ang mga biktima mula sa ika-32 palapag ng gusali nang magsisigaw ang isa sa kanila kasunod ang pag-collapse ng scaffolding patungo sa ikapitong palapag ng gusali kung saan naipit at nabagsakan ng bakal ang mga trabahador. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply