Nameke ng tseke, kalaboso

KALABOSO ang isang ginang matapos mabuking sa pamemeke ng tseke ng Banco de Oro (BDO) nang tanagkaing ipalit ng kanyang pinagkakautangan sa bangko  sa Tondo, Maynila.

Hawak na ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang suspek na si Adora Vicquerra, ng 300-B Lallana st., Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Reginald delos Reyes, inamin ng suspek na pinagaya niya sa  “Recto University” ang pirma sa tseke ng BDO sa halagang P800, bago inisyu sa kanyang pinagkakautangan na sina Eugenia Huang, 54 at Rolando Soriano.

Ang nasabing tseke na nagkakahalaga ng P285,000 ay nakatakdang ipa-encash na sana ng mga biktima sa isang sangay ng nabanggit na bangko sa Pritil nang matuklasang peke pala.

Dahil dito, agad tumawag si Soriano sa MPD-GAS upang ireklamo ang suspek na agad namang dinampot ng awtoridad.

Nahaharap sa kasong attempted estafa at falsification of private/commercial document ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply