Nanulot ng nililigawan, tinarakan

MALUBHANG nasugatan ng isang contruction worker nang pagsasaksakin ng kapwa construction worker makaraang magselos sa isang waitress sa Pasay City, Linggo ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng dalawang tama ng patalim sa likod, at kaliwang braso si Arnel Alvarado, 28, ng Block 12, Lot-47, del Monte, Bulacan.

Tumakas naman ang suspek na kinilala lamang sa alyas George, dala ang ginamit na patalim sa pananaksak.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente 3:00 ng madaling araw sa loob ng Kim-kim club & restaurant sa service road, Baclaran, nasabing lungsod.

Una rito, 10:00 ng gabi, niyaya ng suspek ang biktima na magpunta sa naturang establisimiyento upang magpalipas ng oras at bisitahin ang napupusuang serbidora.

Habang nag-iinuman, higit umanong pinagtuunan ng pansin ng nakukursunadahang  waitress ang biktima at hindi pinapansin ang suspek.

Sa pangambang “masulot” ng kaibigan, pinagsabihan na umano ng suspek ang biktima na ‘wag nang kausapin ang napupusuang waitress.

Nang makitang umupo sa tabi ng biktima ang waitress at magkahawak kamay na nag-uusap, lumabas ang suspek at nang magbalik ay armado na ng patalim saka pinagsasaksak ang biktima. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply