Nasawi sa 8 rehiyon, umakyat na sa 18

UMABOT na sa bilang na 18 ang nasawi bunsod ng pananalasa ng walang tigil na malalakas na ulan sa walong rehiyon sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nadagdagan ng  anim mula sa bilang na 12 ang namatay na kung saan tatlo sa mga ito ay mula sa Bgy. Bolod-bolod, isa sa Bgy. Pancho Villa sa Sogod, isa sa Bgy. Maanyag Tomas Oppus na pawang nasa Southern Leyte.

Isa rin ang mula sa Bgy. Lower Sagadan sa Baroy, Lanao del Norte, isa sa Mt. Diwata sa Compostela Valley, isa sa Bgy. Pongpong, Santa Maria , dalawa sa Manito, Labay, dalawa sa Bgy. Maibu sa Butuan City, isa sa Bgy. Tubod sa Surigao del Norte, isa sa Bislig City, Surigao del Sur, isa sa Bgy. Patin-ay at isa sa Bgy. Magsaysay, isa sa Bgy. Libertad, Bunawan na pawang nasa Agusan del Sur at isa sa Legazpi City.

Nakasaad din sa ulat ng NDRRMC na umabot na sa kabuuang 85,795 pamilya o katumbas ng 443,911 indibidwal mula sa 19 lalawigan ng mga Rehiyon IV-B, V, VII, VIII, X, XI, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Caraga ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Nabatid naman na sa 1,696 pamilya o katumbas ng 8,122 indibidwal ang nasa 39 evacuation centers.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply