Nasawi sa baha at landslides, 71 na, 23 nawawala pa

UMAKYAT na sa 71 ang nasasawi sa baha at landslides na tumaas noong mga nakaraang linggo sa Bicol, Visayas at Mindanao habang 23 pa ang napaulat na nawawala.

Sa 6:00 a.m. update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlo ang naidagdag na nasawi na kinabibilangan ng mga napaulat kamakailan na mga mangingisdang nawawala.

Ayon sa ulat ng Philippine Navy, sinabi ng NDRRMC na natagpuan ang bangkay ni Abner Susia, kapitan ng bangka at may-ari ng MB Jener, bandang 8:00 a.m. noong Sabado sa Burdeos, Quezon.

Kasama pang natagpuang patay ang mga mangingisda na sina Patricio Peregrino, 56, ng Brgy. Sta. Cruz, Virac, Catanduanes; at  Pedro Lopez ng Brgy. Gaboc, Mercedes, Camarines Norte.

Batay pa sa report ng NDRRMC, apektado na ng naturang pagbaha ang may 377,944 pamilya o may kabuuang 1,876,510 katao sa 25 lalawigan.

Habang ang 10,727pamilya naman o may kabuuang 52,950  katao ay nasa 58 evacuation centers.

Tinatayang P1.785 billion ang nasirang aria-arian kasama rito ang P422.458 milyon sa agriculture at P1.342 bilyon sa infrastraktura. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply