Nasawi sa landslides at pagbaha, umakyat na sa 73; nasirang ari-arian, P2 bilyon na

UMAKYAT na sa 73 katao ang nasasawi sa nakaraang landslides at pagbaha sa Bicol, Visayas at Mindanao habang P2 bilyon na ang nasisira nitong ari-arian.

Batay sa 6 a.m. Jan. 26 update, ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nakilala ang mga bagong nasawi na sina   Bartolome Rabonque, 57, ng Barangay Balubo, Esperanza, Agusan del Sur namatay sa;  Relos Rabonque, 12, of Barangay Balubo, Esperanza, Agusan del Sur, napaulat kamakailan na nawawala; at  Bertlado Ploriz, 61, ng P1 La Perian, Prosperidad, Agusan del Sur, nalunod.

Samantala, ayon sa NDRRMC, apektado na ng naturang kalamidad ang may 383,796 pamilya o 1,907,644 katao sa 2,123 barangay sa 26 lalawigan.

Nabatid na 1,293 pamilya o 5,811katao na ang nasa evacuation center sa kasalukuyan.

Tinatayang P2,071,891,708.49 ang nasira ng baha at landslides , kasama na rito ang P706,903,854.83 sa agrikultura at P1,341,941,553  sa imprustraktura,; habang P21,046,300 sa mga  private property.

Nasa state of calamity naman ang Dinagat Islands sa northeast Mindanao noong pang Enero 11. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply