Nasira ang pagkatao dahil sa wow-mali na paghuli

KINALAWIT at binitbit na animo’y baboy ang isang lalaki ng walong operatiba ng Caloocan PNP habang naglalakad ang una sa harap pa mismo ng barangay hall ng Brgy. 8, Buklod ng Nayon, Sangandaan, Caloocan City. Hinuli ang biktimang isang Jomel ng mga pulis na pinangunahan nina Ronquillo at Muyon sa pagdadala raw ng ‘di lisensyadong baril.

Ang masakit nito ay basta-basta na lang daw binitbit na parang baboy ng mga pulis ang biktima nang walang anomang papeles para sa pang-aaresto na ipinakita ng mga operatiba.

Mantakin ninyo, inabisuhan daw ni F. dela Cruz ng Brgy. Lupon ng Brgy. 8 ang mga pulis na idaan muna sa barangay hall ang kanilang huli para mai-blotter ngunit pinagsabihan pa ang huli ng mga pulis na wag siyang makikialam. Ang masakit nito, “na-wow mali”ang mga tarantadong pulis sa panghuhuli sa biktima. Paano marami ang nakasaksi sa panghuhuli ng mga pulis kay Jomel. Dahil sa pangyayari, nasira ang pagkatao ni Jomel sa mga kakilala, kapitbahay at mga kaibigan. Iyan ba ang matuwid na landas na gusto ni Pangulong Noynoy Aquino na ipagawa sa mga pulis?

Bawal ang kotong ni PNoy, bulok

May mga taong umiikot sa buong Metro Manila na nanghihingi ng “timbre” sa mga sugalan at club at ginagamit ang NAPOLCOM at ang DILG ni Sec. Jesse Robredo. Pinangungunahan ng isang Eric Santiago at alyas Boy Go ang mga ito. Ipinagmamalaki ng dalawang kumag na ito na sugo raw sila ng DILG.

Anoman ang katotohanan rito ay tanging si  Sec. Robredo lamang ang nakaaalam. Isang Sgt. Allan na taga-deliver lang ng Baboy ang nagpapakolekta sa RSRF at RMG ng NCRPO.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 092667192-69 o email juandesabog @ yahoo. com.- Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply