Nasunog na lalaki sa SUV, kilala na

KINILALA na ng Caloocan City PNP ang bangkay na tinusta ng apoy sa loob ng nasunog na SUV kahapon sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Levi Pangilinan Dulay, 45,  ng 103, 10th st., 8th Avenue, nasabing lungsod.

Kahapon ng 1:35 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng nasusunog na Mitsubishi Adventure na putol ang plaka sa C-3 road, malapit sa Torcillo st., Barangay 28, Caloocan City.

Sa report ni SPO2 Bobby Mario Egera, nakilala ang bangkay ng biktima dahil sa ilang hindi nasunog na dokumento na nakapaloob sa nasunog na wallet ng biktima, tulad ng student permit at ATM Card na nakapangalan sa isang Levi Pangilinan Dulay.

Lumitaw din sa imbestigasyon ng pulisya na ang nasunog na Mitsubishi Adventure ay may plakang WLV-586, kasalukuyang inaalam pa ang chassis at engine number sa LTO.

Lumabas sa imbestigasyon base na rin sa pahayag ng magulang at asawa ng biktima, umalis si Levi ng bahay 8:00 ng gabi nitong Sabado, dala ang nasabing sasakyan para dumalo sa reunion sa Las Piñas City, subalit hindi na nakabalik ang biktima.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng pulisya kung aksidente ang nangyari o may foul play sa pagkamatay ng biktima. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply