Navotas nasa state of calamity dahil sa sunog

INILAGAY na sa state of calamity ang Brgy. San Roque sa Navotas City bunsod ng nakaraang sunog noong Enero 29 na ikinasawi ng 12 katao dahilan upang maglabas ng pera ang sangguniang lungsod upang magbigay ng pinansyal na tulong.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, handang mag-abot ng P1,500 sa bawat pamilyang naapektuhan ang lokal na pamahalaan matapos tupukin ang kanilang tahanan at walang matirang ari-arian.

Napag-alamang humihingi na ng tulong ang mga biktima at nagmamakaawang mabigyan sila ng damit, pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.

Pansamantalang nananatili ang may 400 pamilya sa San Roque High School kung saan ang ilan sa mga ito ay nagkakasakit na dahil sa lamig ng panahon.Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply