Negosyante tinambangan sa Ilocos Norte

DEAD-ON THE SPOT ang asawa ng isang government prosecutor makaraang barilin sa kanyang pag-uwi galing sa pagdedeliver ng mga itlog sa Ilocos Norte, umaga ng Sabado.

Ayon kay Ilocos Norte police chief Senior Superintendent Marlo Chan, nakilala ang biktima na si Edward Chan, 38, negosyante.

“Naka-recover tayo ng walong spent shells ng cal-.45, ” ayon kay  Chan sa isang panayam sa dzBB.

Kasalukuyang nangangalap pa ng impormasyon sa motibo ng pagpaslang at kung sino ang may sala.

Dagdag pa ni Chan, ang biktima ay isang wholesale dealer ng mga itlog, at asawa ni Laoag City prosecutor Gina Chan.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon,  naganap ang insidente bandang 6:05 a.m., matapos magdeliver ng mga itlog sa Brgy.  Santiago, Solsona. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply