New Year’s Resolution

AGING kaugalian na nating mga Pinoy na magkaroon ng New Year’s resolution? Ikaw,  ano ang New Year’s resolution mo?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng New Year’s resolution? Ilan kaya sa atin ang nakatutupad nito sa tuwing bagong taon?

Ang  New Year’s resolution ay isang  pangako (commitment) ng isang indibiduwal sa kaniyang sarili o pagbabago sa mga nakasanayang gawi (habit) na hindi naging epektibo o kapakipakinabang. Sa kabuuan, ito’y ‘goal’ ng indibiduwal na nais makamit sa buong taon.

Pero sa aminin natin o hindi, marami sa atin ang hindi napanganatawanan ang itinakdang New Year’s resolution sa iba’t bang kadahilanan, kulang sa determinasyon, tamad o ningas-kugon ika nga.

Kabilang dito ang pangakong hindi na gagamit ng paputok sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon, pagtitipid, pangangalaga sa kalusugan at kapaligiran, etc.

Hindi na gagamit ng paputok

Ngayong 2011, bahagi ng New Year’s resolution ng mga nabiktima ng pagpapaputok. “Hindi na po ako ulit gagamit ng papaputok tuwing Bagong Taon.”  Marahil magtatanda na ang ilang naputukan at naputulan ng daliri, kamay at paa sa pagsalubong sa bagong taon.  Sila ang mga taong matitigas ang ulo at binalewala ang paulit-ulit na kampanya ng mga ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ng DOH na “huwag gumamit ng paputok.’

Sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot sa 546 ang mga nabiktima ng paputok  mula Disyembre  21-31, 2010. Ito ay mas mataas ng 7 porsiyento sa parehong petsa noong 2009.

Mula sa 546, ang 518 (95%) dito ay firework injuries, 20 (4%) dulot ng ligaw na bala 8 (1%) ay nakalunok at nalason mula sa pulbura ng paputok.

Sa mga biktima, 408 (79%) ay mga lalaki, na nasa edad mula 1-74  at karamihan dito ay nasa edad na 14.

Kabilang sa nangungunang tatlong rehiyon na may pinakamaraming naitalang fireworks-related injuries ay ang National Capital Region (301 o 58%), Ilocos (35 o 7%) at Western Visayas (29 o 6%). Isa dito ang naitalang nagpakamatay sa pamamagitan ng paglulon ng Piccolo.

“There were 301 (58%) active users. Among active users who are 18 and above, 52 (38%) were under the influence of alcohol. Thirty-one (6%) had amputations, 84 (16%) sustained eye injuries and the rest 403 (78%) had burns/blast wounds,” base sa record ng DOH.

Sa tatlong nangungunang paputok na nakapagdulot ng sakuna ay ang Piccolo (182 o 35%), Kwitis (74 o 14%) at Pla-Pla (32 o 6%).

Tinataya ng DOH na ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng paputok ay dahil sa talamak na pagkalat ng mga mumurahin, mababang kalidad, at ipinagbabawal na Piccolo na bumiktima ng maraming bilang ng mga batang naputukan.  “Also, a significant high proportion of by-standers who were injured and a high percentage of active users under the influence of alcohol contributed to the increase.”

“We appeal to those injured to immediately consult a doctor to prevent tetanus, a highly-fatal result of wounds caused by fireworks/firecrackers,” giit ni Health Secretary Enrique Ona.

Binalaan din nito ang publiko lalo na ang mga bata na huwag pulutin ang fireworks/firecrackers  na hindi pumutok at paggamit ng mga natirang paputok.

Ang Kampanya Kontra Paputok Surveillance ay magpapatuloy hanggang  Enero 5. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply